Ekonomiks: Kalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas sa Iba't-ibang Panahon
5. IKAW, ANONG MASASABI MO SA EKONOMIYA NG PILIPINAS?!
AYON SA INYONG NAPANOOD, MAY PAGKAKATULAD BA ANG
MGA NAGING REAKSYON NILA? ANO?
ANO ANG NAKIKITA NIYONG EPEKTO SA MGA PILIPINO NG
HINDI PAGTAAS NG EKONOMIYA?
8. Ang ating mga ninuno ay
nabubuhay noon pagitan sa mga
butil, bungang kahoy sa gubat,
natutong mangaso at mangisda,
natutuhan din nilang magtanim ng
halaman, mag alaga ng hayop at
kinukuha nila ang kanilang mga
pangangailang sa pang araw-araw
na pamumuhay.
9. Binubuo ito ng 30 hanggang 100 katao
Nakabatay ang estruktura ng lipunan sa ugnayan ng
panginoong maylupa at ng kanyang basalyo.
Ang sistemang pang-ekonomiya sa panahon na ito ay ang BARTER na
kung saan hindi gumagamit ng salaping pangbayad ng produkto bagkus
ay pagpapalitan ng produkto. Ang bansang Tsina ang kapalitan ng ating
mga ninuno sa pamilihan. Dala ng mga Tsino ang porselana, banga, at
seda kapalit ng produktong katutubo tulad ng pagkain at kagamitan.
Paggawa ng bangka/barko Paninisid ng perlas
Paggawa ng alak Paghahabi ng tela
Paggawa ng alahas
10. May hawak ng pinakamataas na kapangyarihan, sinusundan ito
ng Maharlika, at Timawa. Ang Datu ay hindi lamang
pinaniniwalang nag mamay-ari ng kanilang sakop na lupain, kundi
isang pinunong pinagkakatiwalaan ng barangay.
Pangkaraniwang mamamayan na malaya at maaaring
magmay-ari ng lupa.
Ang pinakamababang antas naman sa lipunang barangay noon
ay ang mga Alipin. Ang mga alipin ay mauuri sa dalawa-- ang
Aliping Namamahay at Aliping Saguiguilid.
14. - Encomienda/Hacienda
- Pagbabago sa sistema ng
Agrikultura
- Pagtatag ng mga Bagong
Kompanya/Industriya
- Pagbubuwis
-Kalakalang Galyon
- Monopolyo ng Tabako
15. SISTEMANG REDUCCION
Pinaghihiwalay ng mga Espanyol ang magkakamag-anak sa
pamamagitan ng pagpapadala sa mga ito sa ibang lupain.
SISTEMANG ENCOMIENDA
Isinailalim ng pamahalaan ng spain
sa Sistemang Encomienda ang mga
nasakop na lupain ng ating mga
ninuno. Ang mga lupaing ito ay
pinapangasiwaan ng mga
encomendero. Sa panahong ito
sapilitang pinagtrabaho ang mga
ninuno. Ang nakukuhang produkto o
kalakal ay dinadala sa Spain.
Sapilitan ding pinagbabayad ang
ating mga ninuno ng buwis o tributo.
SISTEMANG HACIENDA
Sa sistemang Hacienda, naabuso rin
ang kalagayan ng ating mga ninuno.
Hindi sila makakain ng maayos at
kalupitan din lamang ang kanilang
naranasan sa mga Espanyol. Sa halip
na palay ang itinatanim sa mga
lupaing agrikultural ng mga katutubo,
mga produktong tulad ng tabako,
niyog, at tubo ang ipinalit ng mga
Espanyol.
KALAKALANG GALYON
Nagkaroon ng Kalakalang Galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco
sa Mexico. Ang kalakalang ito ay monopolyo ng mga Espanyol ng
naging daan upang magkaroon ang kanilang bansang dagdag na
yaman. Subalit, nalugi ang kalakalang ito dulot ng mga digmaang
nilahukan ng mga Espanyol ng naging sanhi rin ng paghina ng kanilang
bansa.
19. Pagtatag ng mas maraming
Nilalaman ng
Homestead act
bangko at kompanya
Malayang kalakalan
sa Estados Unidos
Kasunduan ng
bell trade act
Pagbabago sa
Transportasyon
Matatag na sistemang pananalapi
na ang saligan ay gold standard
20. 1924 HOMESTEAD ACT
Inilunsad ang programa na homestead upang matugunan ang
suliranin sa pabahay at paunlarin ang ilang bahagi ng mga kaayunan,
Ang karaniwang bahay kubo namakikita sa lalawigan ay napalitan ng
bahay na yari sa tabla, kahoy at bato. Ang iba namang pilipino ay
nagsimula maging migrante sa mga malalaking lungsod upang
makapagaral at maghanap buhay.
BELL TRADE ACT
Ang mga Amerikano ay malayang makakapagpasok ng kalakal sa
Pilipinas nang walang limitasyon.Sa unang walong taong itinakda ng
kasunduan na ito, hindi papatawan ng anumang buwis ang mga
produktong Amerikanong dadalhin sa bansa.Subalit sa kabilang
banda,ang Pilipino na dadalhin sa Amerika ay papatawan pa rin ng
kota.Bagamat hindi ito patas sa mga Pilipino,pumayag na rin ang
pamahalaan sa suporta na rin ng mga mamamayan upang maipatupad
ang Rehabilitation act na ipinatupad ng Estados Unidos.
21. TRANSPORTASYON
Ipinakilala ng mga Amerikano ang ibat ibang
sasakyang panlupa,pandagat at
panghihimpawid sa bansa.
Pinagtuunan din ang pagsasaayos at
pagsasagawa ng mga tulay, daungan ,
lansangan at mga Breakwater.
MALAYANG KALAKALAN
Patakarang pang-ekonomiya kung
saan ang dalawang bansa o mahigit pa
ay may kasunduan hingil sa pagpasok
at paglabas ng produktong inaangkat o
imports at mga produktong iluluwas o
exports sa kani-kanilang bansa na
walang taripa o anumang kontrol.
24. ANO ANG DAHILAN NG
PAGBAGSAK NG EKONOMIYA NG
PILIPINAS NANG SAKUPIN TAYO
NG HAPON?
25. Greater East Asia
Co-Prosperity Sphere
Preparatory Commission for
Philippine Independence
Pamahalaang
Puppet
Mickey Mouse
Money
Philippine Commodities
Distribution Control
HUKBALAHAP
26. Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
Pinangakuan ng mga Hapones ang mga Pilipino na bibigyan ng
kalayaan kung ito ay makikiisa sa patakaran nilang Greater East Asia
Co-Prosperity Sphere. Binuwag ang mga partido pulitikal at itinatag
ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI).
Pamahalaang Puppet
Isang Pamahalaang Puppet ang itinatag na republika. Bagaman isang
Pilipino ang pangulo, mga Hapones pa rin ang makapangyarihan. Ang
mga kautusang ipinalabas ni Pang. Laurel ay hindi ipinatupad kapag
hindi ito makakabuti para sa mga Hapones
Preparatory Commission for Philippine Independence
Itinatag ang Preparatory Commission for Philippine Independence
upang bum ng bagong Saligang Batas. Sa bisa nito, itinatag ang
Ikalawang Republika ng Pilipinas sa pamumuno ni Jose P. Laurel bilang
pangulo.
Philippine Commodities Distribution Control
Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain dahil sa pagkasira ng mga
taniman at sakahan. Ang presyo ng mga bilihin ay nagsitaasan. Upang
mabigyang lunas ang kakulangan ng pagkain, binuo ng pamahalaan
ang Philippine Commodities Distribution Control upang magrasyon ng
mga pagkain.
31. Sistema sa
Tenant Farming
Parity Rights
Rehabilitation and
Finance Corporation
Philippine Trade Act
32. Sistema sa Tenant Farming
70 % ng ani - mapupunta sa nagmamay-ari ng lupa at ang naiwang
bahagi ay ilalaan para sa mga magsasaka.
Ginawa ito para mapalakas ang kapakanan ng magsasaka at
mahihirap sa kanyunan.
Parity Rights
Pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano sa
paggamit ng likas na kayamanan ng Pilipinas.
Maraming mahalagang economic activities, gaya ng pagmimina,
paggawa ng mga beverage, at iba pa ay nanatiling nasa kontrol ng mga
Amerikano.
Rehabilitation and Finance Corporation
Itinatag din sa panahon ni Roxas upang mamahala sa distribusyon ng
mga pautang at tulong na ipinagkaloob ng Estados Unidos sa
rehabilitasyon ng ating bayan.
Philippine Trade Act
Isang kasunduan na militar ang nilagdaan noong 1947 na nagtakda
sa Estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base militar sa
bansa (binawasan ito ng 25 taon noong 1967).
33. Nakakatulong ang mga programa ni Manuel A. Roxas
sapagkat iniahon niya muli ang ang mga industriyang winasak
ng digmaan.
Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig noong
1946, isa sa mga pangunahing suliranin ng Pilipinas ay ang
pagbabangon sa bumagsak na ekonomiya ng bansa. Winasak
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1941-1945 ang
malalawak na lupain na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga
Pilipino. Upang makabangon at makapagsimula ng bagong
sistema, humingi si Pangulong Manuel Roxas ng tulong sa
Estados Unidos para simulan ang malawakang pagbabago sa
ekonomiya ng bansa.
35. Ama ng
Industriyang Pilipino
Programang
Pangkaunlaran
Philippine Expeditionary
Forces To Korea
(PEFTOK)
Economic Development
Corps (EDCOR)
36. Ama ng Industriyang Pilipino
Pinagtuunan ng pansin ng Administrasyong Quirino ang
pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng industralisasyon.
Mga Programang Pangkaunlaran
Pagpapagawa ng mga farm-to-market roads
Pagtatatag ng Central Bank of the Philippines
Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law upang
mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa
Philippine Expeditionary Forces To Korea (PEFTOK)
Bilang pakikiisa sa paglaban ng komunismo, nagpadala ang Pilipinas
ng mga kawal upang makipaglaban sa Digmaan sa Korea (1950-1953).
Isa sa mga kawal na ipinadala sa Korea ay si dating pangulong Fidel V.
Ramos.
Economic Development Corps (EDCOR)
Sa ilalim ng programang ito, lahat ng susukong kasapi ng Huk ay
bibigyan ng kapatawaran at pagkakalooban ng lupang masasaka.
37. Naging matagumpay ang kampanyang
pangkapayapaan ng Administrasyong Quirino,
subalit nabigo ang kanyang mga programang
pangkaunlaran sapagkat laganap ang
katiwalian sa pamahalaan. Dahil dito, siya ay
natalo sa sumunod na halaan noong 1953 ni
Ramon Magsaysay.
39. Social Security Act
Tulong sa mga
Magsasaka
Pakikipag-ugnayan
sa Ibang Bansa
Pagpapa-unlad
sa mga Baryo
40. Social Security Act
Sa bisa ng batas na ito, itinatag ang Social Security System (SSS)
noong Hunyo 18, 1954. Layunin nito na bigyan ng kapanatagan ang
mga kawani sa pribadong sektor. Ilan sa mga pakinabang nito ang
tulong sa pagpapagamot, pabahay, pautang at pensyon sa pagreretiro.
Tulong sa mga Magsasaka
Sa ilalim ng Land Tenure Law,
bibilhin ng pamahalaan ang mga
malalaking hacienda upang
maipamahagi sa mga magsasaka
ng hulugan.
Itinatag din ang Agricultural
Credit and Cooperative Financing
Administration (ACCFA) at Farmer’s
Cooperative Marketing Association
(FACOMA) upang matulungan ang
mga magsasaka sa suliraning
pinansiyal.
Pagpapa-unlad
sa mga Baryo
Ipinag-utos ni Pang. Magsaysay
ang pagpapatayo ng mga poso at
patubig upang mapabilis ang pag-unlad
sa mga baryo.
Naglunsad ng pananaliksik ukol sa
makabagong sistema ng
pagsasaka at mga bagong uri ng
binhi tulad ng Masagana.
Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa
Ang PCAC ay nagbigay ng pagkakataon sa mga karaniwang tao
upang mag-abot ng kanilang hinaing sa pangulo. Nagpunta din siya sa
mga nayon upang makihalubilo sa mga karaniwang tao. Dahil dito,
nakilala siya bilang Kampeon ng Masa.
42. Filipino First Policy
Austerity Program
Military Bases Agreement
Pagpapalaganap ng
Kulturang Pilipino
43. Austerity Program (Programa sa Pagtitipid)
Layunin nito na mahikayat ang mga Pilipino na mamuhay ng simple at
matipid.
Hinihikayat din nito ang pamahalaan na maging matalino sa
paggasta.
Filipino First Policy (Programang Pilipino Muna)
Layunin nitong bigyan ng prayoridad ang mga Pilipino sa pagkakamit
ng lupa, puhunan at pangangasiwa sa negosyo bago ang mga dayuhan.
Hinihikayat din nito ang mga Pilipino na tangkilikin ang mga kalakal
na gawa sa Pilipinas.
Pagpapalaganap ng Kulturang Pilipino
Layunin nitong buhaying muli ang ilang mabubuting kaugalian ng mga
Pilipino tulad ng kasipagan, delicadesa at pagkamasinop.
Hinimok nito ang pagtatanghal ng Bayanihan Dance Troupe sa iba’t
ibang bansa.
Military Bases Agreement
Layunin nitong magkaroon ng mga pagbabago sa unang kasunduan
tungkol sa isyu ng mga base militar ng Amerika sa Pilipinas.
Pagpapaigsi sa pananatili ng mga base militar sa Pilipinas ng 25 taon
mula sa orihinal na 99 taon.
44. Hindi lubos na nagtagumpay ang
mga programa ni Pang. Garcia
upang maging maayos ang buhay
ng mga Pilipino. Naging laganap
ang katiwalian sa pamahalaan.
Nagkaroon din ng krisis
pampulitika sa hanay ng Partido
Nasyonalista. Dahil dito, tinalo siya
ng kanyang pangalawang pangulo
na si Diosdado Macapagal sa
halalan noong 1961.
46. Siya ang may-akda
ng Batas ng
Kalusugang Rural
(Rural Health Law)
at ng Batas hinggil
sa Naangkop na
Mababang Sahod
(Minimum Wage
Law).
Inilunsad niya ang
Kodigong
Pangrepormang
Panlupang
Pansakahan
(Agricultural Land
Reform Code) at
nilinis ang
katiwalian sa
pamahalaan.
Kabilang sa kaniyang
mga nagawa ang
pagpapakalat ng
Pambansang Wika, ang
pagbabago ng petsa ng
Araw ng Kalayaan mula
Hulyo 4 na naging
Hunyo 12, at sa
pagbubuo ng Maphilindo
sa Kasunduang Maynila.
Kilala rin siya sa
pagkakaroon ng
nasyonalisasyon
ng pagtitingi
(retail) at dahil
sa Panukalang
Batas na
Pangrepormang
Panglupa.
47. Tinawag na dekontrol ang patakarang
pang-ekonomiya ni Pang. Macapagal
dahil sa pagkontrol ng inaangkat at
salaping dayuhan na nagdulot ng
malaking depisit sa balanse ng
pandaigdigang bayarin ng Pilipinas.
Dahil dito, nagkaroon ng pagbagal sa
pag-unlad ng produktong inililuluwas.
49. Paglinang sa
Kulturang Pilipino
Proyektong
Imprastruktura
Programa sa
Reporma sa Lupa
Green
Revolution
50. Programa sa Reporma sa Lupa
Lahat ng may-ari ng lupa na natatamnan ng bigas at mais ay
inutusang hatiin ang labis nilang lupain. Ito ay ibibigay sa mga
magsasakang walang lupa na kanilang babayaran sa pamahalaan sa
loob ng labinlimang (15) taon.
Proyektong Imprastruktura
Maraming mga patubig, daan at tulay ang naipatayo noong
administrasyong Marcos. Kabilang dito ang Maharlika Highway, Marcos
Highway at San Juanico Bridge. Dahil dito, tinawag siya bilang “The
Architect of the New Society”
Green Revolution
Itinaguyod ni Pang. Marcos ang pagsasaliksik sa mga bagong paraan
para sa pagpaparami ng pagkain. Ipinag-utos niya ang paggamit ng
miracle rice na kayang magbunga ng mahigit 100 kaban ng palay sa
bawat ektarya ng lupa.
Hinikayat din ng pamahalaan ang pagtatanim ng gulay sa mga
bakuran, gusaling pampamahalaan at mga bakanteng lote.
Paglinang sa Kulturang Pilipino
Sa pangunguna ni Gng. Imelda Marcos, naitayo ang Cultural Center of
the Philippines at Folk Arts Theater. Layunin ng mga proyektong ito na
makilala sa buong mundo ang sining ng mga Pilipino.
51. Naging maayos ang pamamahala ni
Pang. Marcos sa unang termino ng
kanyang panunungkulan (1965-1969).
Ngunit sa pagtatapos ng kanyang
ikalawang termino, dumanas ng
matinding krisis pampulitika at pang-ekonomiya
ang Pilipinas. Dahil dito,
ipinatupad ni Pang. Marcos noong Sept.
21, 1972 ang Batas Militar. Dito
nagwakas ang Ikatlong Republika ng
Pilipinas.
53. Paglikha ng
Bagong Saligang Batas
Libreng Edukasyon sa
Elementarya at Secondarya
Pagbawi sa mga
nakaw na yaman
ng mga Marcos
Karapatan
sa
Pagboto
54. Paglikha ng Bagong Saligang Batas
Ipinag-utos ni Pang. Aquino ang pagbuo ng Constitutional
Commission upang gumawa ng bagong Saligang Batas. Natapos ito
noong Sept. 2, 1986 at sinang-ayunan ng mga Pilipino sa pamamagitan
ng isang plebisito noong Peb. 2, 1987. Tinawag itong Saligang Batas ng
1987.
Karapatan sa Pagboto
Muling ibinalik sa mga Pilipino ang karapatang pumili ng kanilang
mga pinuno sa loob ng mahabang panahon. Ginanap ang unang halalan
sa ilalim ng bagong saligang batas noong Mayo 11, 1987. Ito ang unang
malayang halalan makalipas ang 15 taon.
Pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos
Itinatag ng pangulo ang Presidential Commission on Good
Government (PCGG) upang muling mabawi ang mga yaman ng bansa na
ninakaw ng pamilya Marcos. Tinatayang aabot sa 10 bilyong dolyar ang
nawala sa kaban ng bayan noong panunungkulan ni Pang. Marcos.
55. Bagamat maari pa, hindi na muling
tumakbo sa pagkapangulo si Corazon
Aquino sa sumunod na halalan noong
1992. Nanatili na lamang siyang aktibo
sa mga gawaing pansibiko matapos
magretiro. Pumanaw siya noong Aug. 1,
2009 na ipinagluksa ng buong bansa.
Kinikilala siya ng mundo bilang Ina ng
Demokrasya.
57. Special Economic
Zones (SEZ)
Philippines
2000
Oplan Alis
Disease
National Unification
Commission (NUC)
58. Philippines 2000
Layunin ng programang ito na makamit ang kaunlarang pang-ekonomiya
at mapabilang ang Pilipinas sa mga newly industrialized
country (NIC) sa taong 2000.
Special Economic Zones (SEZ)
Ito ay ang pagtatakda ng mga lugar sa Pilipinas bilang sentro ng
industriyalisasyon at kalakalaan. Kabilang dito ang mga dating base-militar
ng mga Amerikano sa Subic at region ng CALABARZON.
National Unification Commission (NUC)
Layunin ng samahang ito na makamit ang pambansang pagkakaisa
sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa mga kalaban ng
pamahalaan tulad ng mga rebeldeng sundalo at mga miyembro ng
NPA at MILF. Naging matagumpay ito ng makipagkasundo ang mga
kasapi ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pamahalaan
noon Sept. 2, 1996.
Oplan Alis Disease
Layunin ng programang ito na malutas ang suliranin ng bansa sa
kalusugan. Pangunahing proyekto nito ang pagbibigay ng libreng
bakuna upang masugpo ang epidemya ng sakit tulad ng polio,
tuberculosis at tetanus. Namigay din ito ng mga libreng gamot at
serbisyo medikal sa mahihirap.
59. Dahil sa pagsusumikap ni Pang.
Ramos, unti-unting umangat ang
ekonomiya ng bansa. Noong Nobyembre
25, 1995 nailathala sa NEWSWEEK
Magazine ang Pilipinas bilang Asia’s
New Tiger. Dahil dito, binansagan si
Pang. Ramos bilang “Tiger Eddie”.
61. Angat Pinoy 2004
Paglikom ng pondo
para sa pamahalaan.
Enhanced Retail
Access for the
Poor (ERAP)
Asset Privatization
Trust
62. Angat Pinoy 2004
Layunin ng programang ito ang pagtugon sa mga pangunahing
pangangailangan (basic services) ng mga Pilipino tulad ng edukasyon,
kalusugan at seguridad. Ito ay sinasabing pro-poor ngunit pro-market.
Asset Privatization Trust
Ito ang pagsasapribado ng mga kompanya ng pamahalaan upang
makalikom ng salapi para sa pangangailangan ng bansa.
Enhanced Retail Access for the Poor (ERAP)
Nagtayo ito ng mga rolling stores na nagbebenta ng murang bigas,
asukal at iba pang pangangailangan ng mga Pilipino.
63. Noong Sept.2007, napatunayan ng
Sandiganbayan na si Joseph Estrada ay
nagkasala sa kasong plunder at
nahatulan ng 40 taong
pagkakabilanggo. Subalit makalipas ng
anim na linggo, siya ay binigyan ni
Pang. Arroyo ng executive pardon.
65. Kapit-Bisig Laban sa
Kahirapan (KALAHI)
Pagsugpo
sa kahirapan.
Strong Republic
Nautical Highway (RORO)
Kapit-Bisig Laban
sa Kahirapan (KALAHI)
66. Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI)
Programang nilikha upang labanan ang kahirapan sa bansa.
Layunin nitong tulungan ang mga Local Government Units (LGU) na
mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Self-Employment Assistance – Kaunlaran (SEA-K)
Naglalayong pautangin ng puhunan ang mga Pilipinong walang
hanapbuhay para sa pagsisimula ng negosyo.
Strong Republic Nautical Highway (RORO)
Naglalayong pautangin ng puhunan ang mga Pilipinong walang
hanapbuhay para sa pagsisimula ng negosyo.
67. Sa ilalim panunungkulan ni Pang.
Arroyonaganap ang mga
pandaigdigang pagpupulong ng mga
bansa sa Asya tulad ng ASEAN Summit
sa Cebu.
Nangako din si Pang. Macapagal-Arroyo
na tutulungan ang mahihirap, paunlarin
ang ekonomiya, at lalabanan ang
krimen.