10. Kahulugan:
Ang Sektor ng Paglilingkod o Serbisyo ang
isa sa 3 uri ng industriya sa isang linang na
ekonomiya. Ito ang sektor na nagbibigay
ng iba’t ibang serbisyo sa mga negosyo at sa
mga konsyumer. Ang serbisyo’y maaaring
pagdadala, pamamahagi, o pagbebenta sa
konsyumer ng mga produkto mula sa
prodyuser, tulad ng nangyayari sa
industriya ng turismo at paglilibang.
19. A. Transportasyon -Nakasalig ang
pag-unlad ng ekonomiya sa industriyang
transportasyon.
-Ito ang literal na nagpapagalaw ng
kalakalang lokal at internasyonal. Kaya,
nakasalalay sa isang matibay na sektor
ng transportasyon ang paglago ng
kalakalan. Ang sistema ng
transportasyong panlupa, pantubig at
pang himpapawid.
21. Uri ng Transportasyon:
1. Transportasyong Panlupa - Kasama sa
transportasyong panlupa ang mga daan,
riles, at mga sasakyang motor.
22. Uri ng Transportasyon:
1. Transportasyong Panlupa - Kasama sa
transportasyong panlupa ang mga daan,
riles, at mga sasakyang motor.
2. Tranportasyong Pantubig - Isang
kapuluan ang Pilipinas, kaya mahalaga rito
ang transportasyong pantubig na magdadala
ng mga tao, produkto, at serbisyo sa iba’t
ibang lugar.
23. 3. Transportasyong Panghimpapawid - Ito
ang uri ng transpormasyon na nagpapagaan
at nagpapabilis sa paglalakbay. Ito rin ang
pangunahing instrumento ng kalakalan at
turismo. Sa tulong ng mga eroplano, mabilis
na nadadala ang mahalagang kalakal at mga
turista saan mang panig ng bansa. Binubuo
ang sistema ng transportasyong pang-
himpapawid ng mga paliparan at eroplano.
24. 4. Komunikasyon- Mahalagang mahalaga ang
komunikasyon sa paglago ng ekonomiya ng
Pilipinas. Upang mabilis na makapag-
ugnayan ang mga tao, kailangan ng
episyenteng komunikasyon. Ang mga
impormasyong naikakalat ng komunikasyon
ay maaaring makapagbunsod ng aksyon at
pagbabago. Komunikasyon din ang
ginagamit ng pamahalaan upang
maiparating sa mga tao ang kanyang mga
mithiin at programa.
25. Ang mga pasilidad at serbisyong pang-komunikasyon
ng bansa ay binubuo ng mga ss.:
• Telepono
• Cellphone
• Data and Record Communications Service
• Public Trunk Radio Service
• Radio and Television Broadcasting
• Internet
• Postal Service
• Fil Media
• Print media
• Advertising
• Information and Communications Technology
27. B. Kalakalan –
Ang kalakalan ay isang kusang
palitan ng mga produkto, serbisyo, o
pareho. Tinatawag din ng kalakalan
ang komersyo. Ang mekanismo na
pinapahintulutan ang kalakalan ay
tinatawag na pamilihan.
32. URI NG
DOMESTIKONG
KALAKALAN
ADVANTAGE DISADVANTAGE
•TINGIAN
1. Nabibili lahat ng
kailangan
2. Walang nasasayang
3. Mabilis na
natutugunan ang
mga araw-araw na
pangangailangan
1. Kulang ang
impormasyon ukol sa
produkto
2. Mas mataas ang
presyo kaysa
pakyawan
•PAKYAWAN
1. Maraming
produktong nabibili
2. Mas mura kaysa sa
tingian
1. Maraming nasasayang
2. Hindi nabibili lahat
ng pangangailangan
3. Mahirap tugunan
lahat ng
pangangailangan
37. D. Pabahay
- Ang pabahay ay isang mahalagang
indikasyon ng paglagong ekonomiko.
Mas maraming bahay na ginagawa, mas
masigla ang ekonomiya.
38. E. Katangian at Kahandaan ng
Pilipinong manggagawa sa Sektor ng
paglilingkod
39. E. Katangian at Kahandaan ng
Pilipinong manggagawa sa Sektor ng
paglilingkod
• Ang mga Pilipinong manggagawa ay masisipag, may
direksyon sa trabaho, nagpapakita ng
pagkalamikhain at pagnanais na matuto sa iba’t
ibang kasanayan. Ang mga katangiang ito ang
nagbunsod sa mga dayuhan na kilalanin at kunin
ang mga serbisyo ng mga Pilipino.
40. • Ang Pilipinas ay kompetetibo sa larangan ng
turismo, mga call center, IT, atbp. Ang pagtatayo ng
maraming call center sa bansa ay hindi lamang
tulong sa panlipunang kaunlaran, bagkus ito’y
patunay sa tiwala at kakayahan ng mga Pilipino sa
mga naturang gawain. Pinatutunayan din nito ang
lamang ng manggagawang Pilipino sa wikang Ingles
dahil lagi itong gamit sa mga call center ng bansa .
Ang pagkakaroon ng mataas na antas ng edukasyon
ay salik din na nagpapaunlad at nagsusulong sa
kaunlaran ng sektor ng paglilingkod.
41. • Ang mga Pilipino ay mataas ang kakayahang
makipag-usap nang malinaw at pagkaunawa lalo na
sa mga Amerikano. Ang mga Pilipinong
manggagawa ay madaling makibagay at mahusay
makisalamuha sa iba’t ibang kultura. May mataas
silang antas ng pagtanggap sa kultura ng iba at may
pagpapahalaga sa kliyente. Panghuli, ang sektor ng
Paglilingkod at mayroong 29 milyong manggagawa
na may kasanayan o SKILLED LABOR FORCE.
44. INSTITUSYON GAWAIN
•Dept. of Tourism o
Kagawaran ng Turismo
Sila ang namamahala sa paglinang sa turismo bilang
mahalagang sektor ng bansa. Ang kanilang pangunahing
gawain ay maghikayat sa mga dayuhan na maglakbay dito
upang makita ang kagandahan ng Likas na yaman, kultura, at
kasaysayan nito. Programa nila ang “Biyahe Na” at “Huwag
maging dayuhan sa sariling bayan” ay mga kampanya ng DOT
kaugnayan ng layuning ito.
45. INSTITUSYON GAWAIN
•Dept. of Tourism o
Kagawaran ng Turismo
Sila ang namamahala sa paglinang sa turismo bilang
mahalagang sektor ng bansa. Ang kanilang pangunahing
gawain ay maghikayat sa mga dayuhan na maglakbay dito
upang makita ang kagandahan ng Likas na yaman, kultura, at
kasaysayan nito. Programa nila ang “Biyahe Na” at “Huwag
maging dayuhan sa sariling bayan” ay mga kampanya ng DOT
kaugnayan ng layuning ito.
•Dept. of Transportation
and Communications
Tungkulin ng DOTC na magpaayos, magpalawak, at lalong
mapaunlad ang sistema ng telekomunikasyon at
transportasyon sa bansa. Layunin nito na magkaroon ang
bansa ng isang ng isang episyente at maaasahang ahensiyang
tataguyod sa programang pangkaunlaran at pagpapatatag ng
pambansang ekonomiya.
46. INSTITUSYON GAWAIN
•Dept. of Tourism o
Kagawaran ng Turismo
Sila ang namamahala sa paglinang sa turismo bilang
mahalagang sektor ng bansa. Ang kanilang pangunahing
gawain ay maghikayat sa mga dayuhan na maglakbay dito
upang makita ang kagandahan ng Likas na yaman, kultura, at
kasaysayan nito. Programa nila ang “Biyahe Na” at “Huwag
maging dayuhan sa sariling bayan” ay mga kampanya ng DOT
kaugnayan ng layuning ito.
•Dept. of Transportation
and Communications
Tungkulin ng DOTC na magpaayos, magpalawak, at lalong
mapaunlad ang sistema ng telekomunikasyon at
transportasyon sa bansa. Layunin nito na magkaroon ang
bansa ng isang ng isang episyente at maaasahang ahensiyang
tataguyod sa programang pangkaunlaran at pagpapatatag ng
pambansang ekonomiya.
•Technical Education and
Skill Development
Authority
Sila ang naglulunsad ng iba’t ibang uri pagsasanay para sa mga
manggagawa. Ilan sa mga pangunahing programa ng ahensiya
na nasa ilalim ng TESDA Devt. Plan 2001-2004 ay ang ganap na
paglinang at pagpapaunlad sa mga kasanayang kaugnay sa ss:
agrikultura, pangingisda, proseso ng pagkain at inumin,
konstruksyon, turismo, serbisyong panlipunan, IT at paggawa
ng kasangkapan sa bahay.
53. •Maglunsad ng taas pasahod sa
mga lokal na manggagawa upang
mahikayat sila na dito
magtrabaho sa ating bansa.
54. •Maglunsad ng taas pasahod sa
mga lokal na manggagawa upang
mahikayat sila na dito
magtrabaho sa ating bansa.
•Paghasa sa mga hinaharap na
manggagawa sa pamamagitan ng
mga mahusay na sistema ng
edukasyon.
55. •Paglinang ng pamahalaan sa
kakayahan ng bansa sa Information
and Communications Technology.
Palalakasin nito ang posisyon ng
software development na
magpapasulong ng e-services sa
pamamagitan ng paglinang ng mga
pamilihan sa loob at labas ng bansa.
56. •Paglinang ng mga tourism
hubs sa pamamagitan ng
pagpapabuti sa mga paliparan,
daungan at mga daan.
58. •Mahalaga ang papel ng Sektor ng Paglilingkod sa
kabuuang ekonomiya ng bansa. Importante ito sa
kalakalan ng pagtitingi (retail) at pamamakyaw (whole
sale) upang tiyakin na makararating sa mga mamimili ang
mga produkto mula sa sakahan o pagawaan.
•Nagdadala ng mga produkto sa iba’t ibang malalayong
lugar.
•Tumitiyak sa maayos na pag-iimbak at sa pagtitinda ng
mga kalakal.
•Malaki rin ang naiiaambag ng sektor ng paglilingkod sa
GDP ng Pilipinas.
60. Ang isang maunlad na bansa ay may
kakayahang lumikha ng iba’t ibang uri ng produkto at
serbisyo. Ang pagtaas ng kalidad ng nalikhang
produktong ito sa pamilihan ay naglalarawan sa antas
ng kakayahan ng mga taong siyang nagpapaka-
dalubhasa at nagpupunyagi upang ang mga bahay
kalakal ay magprodyus. Sinasabing sa bawat yugto ng
kaunlarang pang-ekonomiya ay matatagpuan ang mga
taong nagkakaloob ng iba’t ibang serbisyo o pag-
lilingkod upang makarating sa kinauukulan ang bawat
kalakal. Ang mga serbisyo o paglilingkod na ibina-
bahagi sa lipunan ng nasa sektor na ito ang nagbunsod
sa pagkakaroon ng isang magaan, maayos at
komportableng buhay ng maraming mamamayan.
61. Prepared by:
Michelle Ann P. Lofamia
Kiarra Nicole Dela Merced
IV-1 (Batch 2013-14)
Submitted to:
Ms. Milagros Pacot