3. Si Jose Cecilio Ramon Augusto Pangilinan de
Jesus o mas kilala sa pangalan na Jose Corazon
de Jesus (1894-1932), may palayaw na Pepito
Matimtiman, Huseng Batute, Huseng Katuwa,
Anastacio Salagubang, Sundalong Lasing,
Viterbi, Paruparong Asul, at Bayaning May
Sugat, ay isang mamamahayag, makata at
manunulat, at tulad din ni Balagtas at Rizal ay
nakapagsulat ng maraming tula.
Ipinanganak siya noong 22 Nobyembre 1894 sa
Sta. Cruz, Maynila at pangalawa sa tatlong anak
nina Dr. Vicente de Jesus at Susana Pangilinan.
Lumaki si Jose Corazon de Jesus sa Santa
Maria, Bulakan at nagtapos ng hayskul sa Liceo
de Manila, at kumuha ng abogasya sa Escuela
de Derecho. Nag-aral din siya ng humanidades,
operang Italyano, at piyano sa Unibersidad ng
Pilipinas.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11. 0“Paghihinagpis”
Patunay:
“Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa.”
(Unang saknong)
Pagdulog Romantisismo
12. Paliwanag:
Ito’y nalalapatan ng pagdulog romantisismo dahil
ang sentro ng emosyon nito ay pagkahapis. Bukod sa
salitang luha na nagpapakita ng paghihinagpis, ang
unang saknong partikular na sa una at ikalawang
taludtod ay nagsasaad ng kalungkutan habang ginagawa
ang isang liham.
14. Paliwanag:
Ipinapakita ng patunay sa ikalawang saknong
ang kilig na nadarama. Dahil kapag umiibig ang isang
tao palagi niyang iniisip ang kanyang minamahal at
minsan ay biglang napapangiti na lamang. Hindi nito
alam ang gagawin o dahilan ng nararamdaman sa
tuwing nakikita ang kanyang sinisinta.
15. “Pagtitiis”
Patunay:
“Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag
Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak”
(1 at 2 taludtod, ikapitong saknong)
16. Paliwanag:
Kapag umibig ang isang tao ay nakahanda itong
magsakripisyo, magpakumbaba at magparaya para sa
kanyang minamahal. Minsan ang mga bagay na hindi niya
kayang gawin ay kanyang nagagawa at ang pagtitiis na
hindi niya kayang tiisin ay kanyang natitiis para sa
kanyang minamahal.
17. “Pagmamahal sa kaibigan”
Patunay:
“Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay!"
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal!
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!”
(ikawalong saknong)
18. Paliwanag:
Ang ikawalong saknong ay nagsasaad ng
pagmamahal sa isang kaibigan. Ipinapakita ng mga
pahayag na ayaw nitong masaktan ang kanyang kaibigan
kaya binibigyan niya ito ng payo tungkol sa babaeng
kanyang sinisinta.
19. Pangkalahatang Pagpapaliwanag:
Ang pag-ibig ay isang bagay na maaaring magpaangat at
magpabagsak sa atin. Ang paghihinagpis, pagtitiis at kilig ay ilan lamang
sa mga emosyong ating madarama sa tuwing tayo’y umiibig.
Sa kasalukuyang panahon, narami sa mga kabataan ay madaling
umibig. Dala ng modernisasyon at makabagong teknolohiya madali na
lamang ang pagkakaroon ng kasintahan o ng mga kasintahan.
Ngunit ating tatandaan na kaakibat ng kasiyahan na ating
nadarama dulot ng pag-ibig ay kalungkutan at pagtitiis lalo na kung
magpapadala sa kapusukan at ninanais.
20.
21. “Sakim/Makasarili”
Patunay:
“Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y nalimutan ---
Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo't puso lamang!”
(3 at 4 taludtod, ikalimang saknong)
Patunay:
“Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;
O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!”
(3 at 4 taludtod, ikapitong saknong)
Pagdulog Realismo
22. Paliwanag:
Minsan kung umiibig ang isang tao ay nagiging
makasarili, palagi nitong iniisip ang pansariling
kapakanan, kung paano nito makakamtan ang ninanais
at mga kagustuhan.
23. “Pagkalunod sa Pag-ibig”
Patunay:
“Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod,
Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa pag-irog!”
(3 at 4 taludtod, ikaapat na saknong)
24. Paliwanag:
Sinasabing walang kumlawde sa pag-ibig. Kahit
gaano pa ka intelektwal ang isang tao ay may mga
pagkakataong hindi nito nagagamit ang kanyang dunong.
Dahil sa pag-ibig na nadarama may mga taong hindi
nakokontrol ang kanilang emosyon kahit alam nito na
maaaring mali ang kahihinatnan ng kanilang ginawang
desisyon.
25. “Mapangahas”
Patunay:
“Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa panganib
Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
Pag umibig, pati hukay aariin mong langit”
(ikaanim na saknong)
26. Paliwanag:
Kapag umibig ang isang tao handa nitong
suungin ang lahat ng hirap at kahit mga kaakibat na
panganib nito. Minsan ay nakahandang magbuwis ng
sariling buhay maprotektahan lamang ang kanyang
minamahal.
27. Pangkalahatang Pagpapaliwanag:
Ang realidad ng isang pag-ibig o
pakikipagrelasyon ay hindi lamang puro
kasiyahan. Ang pakikikagrelasyon ay isang
responsibilidad na nangangailangan ng mataas
na pasensya. Ito’y hindi lamang pagtanggap
bagkus ito’y pagbibigay.
Sa kasalukuyan, dahil sa pagiging
mapangahas at kapusukan marami sa mga
kabataan ang nahahantong sa pagkakaroon ng
anak na walang kinagisnang ama (single mom).
Hindi nakapagtapos ng pag-aaral at
pagkakaroon ng isang sakit na nakukuha sa
pakikipagtalik.
Editor's Notes
Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa.Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso!Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo makuro.Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo'y naglalaho;Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang pagsuyo!Ang Pag-ibig na dakila'y aayaw nang matagalan,Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang nahalikan,At ang ilog kung bumaha, tandaan mo't minsan lamang.Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa't walang agos,Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos!Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod,Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa pag-irog!Ang Pag-ibig na buko pa'y nakikinig pa sa aral,Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y nalimutan ---Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo't puso lamang!Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa panganibAy talagang maliwanag at buo ang iyong isip:Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:Pag umibig, pati hukay aariin mong langit!Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag;Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak:Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!"Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay!"Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal!Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid,Kapag kayo'y umiibig na, hahanapin ang panganib,At pakpak ninyo'y masusunog sa pag-ibig!