2. Ang Proseso ng Pag-unawa ng
Pagbasa
Layunin ng pagtuturo ng pagbasa ang
malinang sa mag-aaral ang pagbasang may
pag-unawa o komprehensyon.
Ngunit batay sa mga pananaliksik, ang
pagtuturo ng komprehensyon ay hindi
gaanong napagtutuunan ng pansin.
3. Ano ba ang komprehensyon?
Ang pagbasa ng may komprehensyon ay
pagbuo ng mga tulay na nag-uugnay sa
dating kaalaman tungo sa bagong
kaalaman. (Pearson at Johnson, 1978)
Sa maikling salita, ugnayan ng teksto at
kaalaman ng mambabasa.
4. Modelo ni Rumelhart (1977) ng
Interaktibong Pagbasa
Talasalitaan Gramar o
Pagkilala
balarila
Input mula sa Dating Kaalaman/ Kahulugan
teksto Kasanayan sa paghinuha
Kohesyon
Organisasyon/
Kayarian ng Teksto
5. Mapapansing ang dating kaalaman ng
mambabasa at ang mga kasanayan sa
paghinuha ang nasa sentro ng moderno,
pgpapatibay ng paniniwalang ang
komprehensyon ay pag-uugnay ng
impormasyon mula sa teksto at
impormasyon na nasa isipan ng
mambabasa.
6. Ginagamit naman ng mambabasa ang mga
impormasyon tungkol sa:
Pagkilala ng mga salita
Talasalitaan
Gramar
Kohesyon
Kayarian ng teksto
Upang maiugnay ang bagong impormasyon
sa dati niyang kaalaman.
7. Mahalaga ang dating kaalaman o iskima
ng mambabasa tungkol sa teksto.
Kung kulang sa angkop na konseptong
kaugnay ng teksto, magiging suliranin ang
komprehensyon.
Mahalaga bago bumasa ang paglinang ng
mga dating konseptong nalalaman ng
mambabasa na kaugnay ng tekstong
babasahin.
8. Sinasabing kung walang pag-unawa ay
walang pagbasang nagaganap. Ayon kay
Goodman, ang pagbasa ay nagiging
makahulugan kung may interaksyon ang
mambabasa at ang teksto.
Nagagamit ng bumabasa ang mga dati na
niyang kaalaman at karanasan upang iugnay
sa binabasa at sa ganitong paraan
nauunawaan niya at nasusuri ang binabasa.
9. Mga Teorya sa Pagbasa
•Ang Teoryang Iskima
Ang komprehensyon o pang-unawa ay
proseso ng pag-uugnay ng mga kaalaman sa
paksa at kaalaman sa pagkakabuo ng
mahahalagang salik sa pag-unawa.
(Pearson, 1978)
10. Ang lahat ng dating nararanasan at
natutuhan ay nakalagak sa isipan at maayos na
nakalahad ayon sa kategorya. Ang mga
iskimang ito ay nadaragdagan, nililinang,
nababago at napapaunlad (Pearson at Spiro,
1982).
•Sa kasalukuyang pananaw, ang mambabasa
bago pa man niya basahin ang teksto ay may
ideya na siya sa nilalaman nito batay sa dati
niyang iskima sa paksa.
11. •Binabasa niya ang teksto upang patunayan
kung ang mga hinuha/ ekspektasyon niya ay
wasto, may kulang o dapat baguhin.
Ang teksto ay lunsaran lamang o resors
sa pagbuo ng kahulugan. Hindi ang teksto
ang sentrong iniikutan ng pag-unawa kundi
ang tekstong nabubuo sa isipan ng
mambabasa. Ang kahulugang nabuo sa isipan
ng nagbabasa ang batayan kung nauunawaan
niya ang binasa.
12. Implikasyon sa Pagtuturo ng Pagbasa
(Pearson 1979)
1. Iniuugnay ang dating kaalaman sa
bagong impormasyong nabasa.
2. Nakasubaybay (monitor) sa kanilang
pang-unawa habang bumabasa.
3. Gumagawa ng kaukulang aksyong
panlunas sa mga bahaging hindi pa niya
maunawaan.
13. 4. Nakapipili ng mahalagang ideya sa
tekstong binasa.
5. Nakapagbubuod ng mga impormasyong
binasa.
6. Patuloy na nakapagbibigay-hinuha bago
bumasa.
7. Bumubuo ng mga tanong mula sa
kanilang binabasa na teksto.
14. •Interaktibong Teorya sa Pagbasa
Ang isang magaling na mambabasa ay
gumagamit ng dalawang uri ng paraan sa
pagproseso ng kaalaman mula sa teksto.
(Carell at Eisterhoid, 1983)
1. Paraang bottom-up o pag-unawa sa teksto
batay sa mga nakikita rito tulad ng mga:
-salita, pangungusap, larawan, dayagram at iba
pang simbolo.
15. Tinawag ito ni Smith (1983) na text-based,
outside-in o data-driven sa dahilang ang
impormasyon ay hindi nagmula sa mambabasa
kung hindi sa teksto.
2. Ang paraang top-down o pag-unawa batay sa
kabuuang kahulugan ng teksto. Tinatawag din
itong reader-based, inside-out o conceptually
driven sa dahilang ang kahulugan o
impormasyon ay nagmula sa mambabasa
patungo sa teksto.
16. Nangyayari ito kung ang
mambabasa ay gumagamit ng kanyang
dating kaalaman (prior knowledge) at
mga konsepto o kaalaman (schema) na
nabuo na sa kanyang isipan batay sa
kanyang mga karanasan at pananaw. sa
paligid
17. Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at
ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad
ng awtor sa teksto.
Nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng
mambabasa at teksto.
Nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa
teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa
ang kaalaman niya sa istruktura ng wika at sa
talasalitaan kasabay ang paggamit ng dating
kaalaman at mga pananaw.
18. Narito ang mga kasanayan sa pagbasa na ginagawa sa
klase. Tingnan at uriin kung paano ang pagpoproseso rito
ng mga mag-aaral ayon sa dalawang paraan: bottom-up
at top-down
1. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasa.
2. Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari.
3. Pagbibigay ng hinuha o palagay.
4. Pagtukoy sa sanhi at bunga.
5. Pagbibigay ng wakas sa kwento.
6. Paglalarawan ng tauhan.
7. Pagbibigay ng buod ng kwento.
8. Pagbibigay ng sanhi at bunga.
9. Pagbibigay ng reaksyon sa binasa.
10. Paggawa ng direksyon o mapa batay sa binasa.
19. Implikasyon sa Pagtuturo
Ang mga gawain sa pagbasa na
ngayon sa interaktibong pananaw ay
nagbibigay ng pangunahing diin sa
paggamit ng mga dating kaalaman at
konsepto ng mga mag-aaral sa kanilang
paligid. Ang bawat bahagi ng gawaing
pagbasa ay kakikitaan ng aaktibong
partisipasyon ng mga mag-aaral
20. A.Bago Bumasa
Ang mga mag-aaral ay binibigyan na ng
mga gawain bilang paghahanda sa pagbasa
ng teksto.
1. Pagbibigay ng guro ng bago o panimulang
impormasyon tungkol sa paksang
babasahin (kung wala o kakaunti ang
kaalaman ng paksa)
21. 2. Pagtalakay sa mahihirap na salita (kung
mayroon) na matatagpuan sa teksto at pag-
uugnay nito sa dating kaalaman ng mga bata.
3. Paggamit ng dating kaalaman (prior
knowledge) ng mag-aaral sa pag-unawa ng
bagong ideya o paksa.
4. Paggamit ng mga larawan, pamagat, mga
bahagi ng teksto upang magkaroon ng
pangunahing ideya ang mga mag-aaral sa
babasahing teksto.
22. 5. Pagbibigay ng pangunahing pagsasanay
na kailangan sa pagtuturo ng bagong
kasanayan (prerequisite skills).
6. Pagbibigay sa mga bata ng layunin sa
pagbasa. Ano ang pag-uukulan nila ng
pansin sa pagbabasa? Mga tauhan ba, mga
pangyayari o pag-alam sa sanhi at bunga?
23. B. Habang Bumabasa
Ang mga bata ay magsasagawa ng
mga gawain na ipinakikita ang interaksyon
nila sa teksto.
1. Pagsagot sa mga tanong na nakasulat sa
blakbord o teksto habang nagbabasa.
2. Pagbuo ng mapa o direksyon ayon sa
binabasa.
3. Pagpupuno ng balangkas, table o grap.
24. 4. Pagsusuri sa organisasyon ng teksto at
pagbuo ng dayagram ng mga kaisipan
(semantic map, outline, graphic
organizer).
5. Paglalagay ng guhit sa mahahalagang
kaisipan o impormasyon na nakikita
habang nagbabasa.
6. Pagtatala ng mahahalagang
impormasyon at pansuportang detalye.
25. C. Pagkatapos Bumasa
1. Pagbubuo ng mga tsart na ipinakikita ang
pagkaunawa sa binasa tulad ng:
-pag-uugnayan ng mga pangyayari
(plot relationship chart)
-sanhi at bunga
(cause and effect chart)
-pagkakatulad at pagkakaiba
(comparison/contrast chart)
2. Paggawa ng semantic web.
26. 3. Paggawa ng balangkas ng mga bahagi
ng kwento. (story grammar)
4. Pagpupuno ng frame tungkol sa mga
bahagi ng kwento. (story frame)
5. Pagpupuno ng tsart (What I Know,
What I Want to Know, What I
Learned)
6. Pagbubuod ng binasa.
7. Pagbibigay ng reaksyon, paghusga o
saloobin tungkol sa binasa.
27. Pananaw sa Pagtuturo ng
Noon
PagbasaNgayon
1. Pagsagot sa mga 1. Pag-unawa sa binasa-
tanong tungkol sa proseso.
binasa- produkto. 2. May interaksyon sa
2. Nakadepende sa pagitan ng bumabasa
teksto ang bumabasa. at teksto.
3. Walang alam ang 3. Paggamit ng dating
mambabasa sa teksto. kaalaman at iskima ng
mag-aaral.
4. Walang paghahanda 4. May mga gawain na
bago bumasa. bago pa bumasa.
28. Pananaw sa Pagtuturo ng
Noon
PagbasaNgayon
5. Walang konteksto 5. Iniuugnay ang
ang pagtuturo talasalitaan sa
ng talasalitaan. karanasan at
konteksto.
6. Hindi nakikita ang 6. Ginagamit ang
pag-ugnayan pagsulat at pag-
ng pagbasa unawa ng
at pagsulat. binasa.