3. Sa pabalat pa lamang ng Noli Me Tangere ay tila ninanais na ni Rizal na magkaroon kaagad ng paunang pagkaunawa ang kaniyang mga mambabasa ukol sa nilalaman ng nobela. Dahilan sa ang mga nakapaloob sa pabalat nito ay matatagpuan at tatalakayin sa loob ng kaniyang sinulat.
4. Pansinin ang mga sumusunod Ang Pamagat na Noli Me Tangere ay nasa gitna mismo ng pabalat. Tandaan sana na ang kahulugan sa Filipino ng pamagat ng Nobela ay HUWAG MO AKONG HIPUIN. Nagbababala kaya si Rizal sa kaniyang mga mambabasa sa maaring maging epekto ng pagbabasa nito sa kaniyang kapanahunan.
5. Itaas na Bahagi Ang pamagat ng nobela ay humahati sa pabalat sa dalawang magkahiwalay na bahagi. Ibabang bahagi
6. Sa kabilang dako, ang paghahati ay hindi itaas at ibaba – mayroon tayong mapapansin na hugis. Ang kanang triangulo na malapad ang paanan,subalit papakitid ang ulunan. Ang kaliwang triangulo na makitid ang paanan,subalit lumalapad sa ulunan.
7. PANSININ ANG MGA NAKAPALOOB SA ITAAS/KALIWANG BAHAGI Ang krus Simetrikal na sulo Dahon ng laurel Bulaklak ng sunflower Supang ng kalamansi Ulo ng babae Bahagi ng manuskrito ng paghahandog sa Noli Me tangere
8. PANSININ ANG MGA NAKAPALOOB SA IBABA O KANANG BAHAGI Bahagi ng manuskrito ng paghahandog sa Noli Me tangere Punong Kawayan Lagda ni Rizal Tanikala Pamalo sa Penitensiya Latigo capacete ng guardia sibil Paa ng prayle na labas ang balahibo
10. Ang magkabilang triyangulo na inyong nakikita na hinahati ng pamagat ay kumakatawan sa dalawang magkaibang kapanahunan. Ang Kahapon Ang hinaharap ng bayan
11. PAGBALIKAN NATIN NG PANSIN ANG SIMBOLISMO PARA SA GAGAWIN NATING PAGBIBIGAY PAKAHULUGAN Bahagi ng paghahandog sa Noli Me tangere Punong Kawayan Lagda ni Rizal Tanikala Pamalo sa penitensiya Latigo ng alperes capacete ng guardia sibil Paa ng prayle na labas ang balahibo
12. MGA KAHULUGAN NG MGA SIMBOLISMO Ang kanang triangulo ay isang paglalarawan ng mga elemento na bumubuo ng panlipunang realidad sa kapanahunan ni Rizal.
13. KAHULUGAN NG MGA SIMBOLISMO Paa ng prayle Inilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang bahagi ng tatsulo ang paa ng prayle. Ito ay upang ilarawan sa mga mambabasa kung ano ang pinakabase ng kolonyal na lipunan sa kaniyang kapanahunan. At bilang pagpaparamdam sa mga mambabasa kung sino ang tunay na nagpapalakad ng bayan.
14. Sapatos Ang paglalagay ni Rizal ng sapatos sa paanan ng prayle ay isang anyo ng pagbubunyag sa pagiging maluho ng mga prayle sa Pilipinas. Ang sapatos ay simbolo ng pag-iwan ng mga prayle sa aral ni Cristo para sa kaniyang mga tunay na alagad. Huwag din kayong magdala ng supot ng pagkain sa paglalakad; kahit dalawang bihisan, kahit panyapak , o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kaniyang ikabubuhay. Mateo 10:10
15. Nakalabas na binti sa ibaba ng abito. Pagpapahiwatig ni Rizal sa kalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa Pilipinas na kaniyang hayagang tinalakay sa loob ng nobela. O kaya ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal sa balahibo ng lobo na nasa loob ng damit ng kordero. Ang pulang pangungusap ay lihim na ipahihiwatig ni Rizal sa Kabanata 14 noong murahin ni Don Filipo si San Agustin ng “putris” at sa isang sulat ni Rizal kay Blumentritt (Peb. 2, 1890)
16. Helmet ng guardia sibil. Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na hukbong sandatahan na nang-aabuso sa karapatang pantao ng mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan. Pansinin na inilagay ni Rizal ang helmet sa ilalim ng paanan ng prayle.
17. Latigo ng alperes. Simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal na hukbong sandatahan. Maging si Rizal ay personal na naging biktima ng latigo ng alperes. Ang paglalagay ni Rizal ng latigo ng alperes ay pagpapakita na hindi niya malimutan ang ginawang pananakit sa kaniya ng alperes sa Calamba noong kaniyang kabataan. Pansinin na inilagay ni Rizal ang latigo sa ilalim ng paanan ng prayle.
18. Kadena Inilagay ni Rizal ang kadena sa pabalat ng aklat bilang simbolo ng kawalang kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan.
19. Suplina Ang suplina ay ginagamit ng mga mapanata sa kolonyal na simbahan upang saktan ang kanilang mga sarili dahilan sa kanilang paniniwala na ito ay makapaglilinis sa kanilang mga nagawang kasalanan. Para kay Rizal, wari bang ang pananakit at pagpapahirap ng mga guardia sibil ay hindi pa sapat para sa mga Pilipino at kailangan pang sila na mismo ang magpahirap at manakit sa kanilang mga sarili.
20. Lagda ni Rizal Pansinin na inilagay ni Rizal ang kaniyang pangalan sa triangulong nakaukol sa kaniyang kapanahunan. Alam ni Rizal na siya ay kabilang sa kapanahunan na kaniyang inilalarawan.
27. Mapapansin ninyo ang salitang “Berlin” – ang lugar kung saan ipinalimbag ni Rizal ang Noli Me Tangere. Subalit ang paglalagay ni Rizal ng “Berlin” sa pabalat ay mayroon din layunin na ipaalam sa kaniyang mga mambabasa ang mayamang koleksiyon ng lungsod sa mga materyales ukol sa Pilipinas. Ang bagay na ito ay sinabi mismo ni Rizal sa kaniyang kaibigang si Blumentritt.
28.
29. Ulo ng babae Sino ang babaeng ito? Pansining mabuti ang kasagutan Ipinakilala ni Rizal ang babae sa pamamagitan ng paglalagay niya sa tabi ng pinag-uukulan niya ng paghahandog sa nobela. Ito ay walang iba kundi ang INANG BAYAN
30.
31.
32.
33.
34.
35. Isa sa laganap na paniniwala natin ang kalamansi ay mahusay na sangkap sa paglilinis. Ito ang dahilan, kung bakit mayroon pang mga produktong panlaba at panlinis ng plato na ipinagmamalaki na mayroong halong sangkap ng kalamansi,
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43. HANDA KA NA BANG BASAHIN ANG TUNAY NA NOLI ME TANGERE