Ito ay isang powerpoint presentation patungkol sa akdang Macbeth na isinulat ni William Shakespeare. Dito din matatagpuan ang buod at mga katanungan patungkol sa akda.
2. Kasaysayan ng Akdang
Macbeth
•Ito ay isang akdang isinulat ni William
Shakespeare na may tema ng trahediya
•Sinasabi na isinulat ito ni Shakespeare
noong naging hari ng Inglatera si James I
noong ika-17 na siglo
4. Nagsimula ang dula sa labanan sa pagitan ng Scotland at sa mga
rebeldeng grupo sa Kagubatan ng Forres. Pinuntahan ni Thane of Ross,
ang hari ng Scotland na si Duncan para ibalita na natalo ng kanyang
dalawang magaling na heneral na si Macbeth at Banquo ang mga
rebeldeng mula Ireland at Norway. Ang pinuno ng mga rebelde mula Ireland
ay si Macdonwald na itinuturing na traydor dahil kinampihan niya ang mga
kalaban. Pagkatapos nila matalo ang mga rebelde, nakaharap nila ang mga
mangkukulam. Hinirang nila si Macbeth bilang “Thane of Cowdor”.
Nagbigay sila ng propesiya na magiging hari ng Scotland si Macbeth, at
sinabihan din nila si Banquo na hindi man siya magiging hari ay ang
kanyang mga anak ang magiging hari. Hindi maisip ni Banquo kung totoo
ba o hindi ang kanyang narinig. Pagkatapos nito ay ang mga mangkukulam
ay biglang naglaho. Binati sina Macbeth at Hanquo ng kanilang mga
sundalo dahil napanalo nila ang kanilang laban.
5. Hindi lubusang maisip ni Macbeth kung ano ang aasahan niya pagkatapos
sabihin sa kanya ang propesiya. Kumain ng hapunan sina Macbeth at
Duncan sa Inverness, ang kastilyo ni Macbeth. Sinulatan din niya ang
kanyang asawa na si Lady Macbeth kung ano ang mga nangyari sa kanya.
Gustong-gusto ni Lady Macbeth na maging hari ang kanyang asawa at ang
paraan para makuha niya ang trono ay patayin si Duncan. Noong
nakarating na si Duncan sa Inverness, inudyukan ni Lady Macbeth ang
kanyang asawa na patayin na ang hari. Plinano nina na lasingin ang
dalawang chamberlains o alalay ni Duncan para kapag napatay na nila si
Duncan ay mapupunta sa dalawang alalay niya ang sisi na wala din
kalaban-laban. Pinatay ni Lady Macbeth si Duncan sa pamamagitan ng
isang “dagger” o kutsilyo. Nang kinaumagahan ay nalaman na ang
pagkamatay ni Duncan, kaya pinatay ni Macbeth ang dalawang alalay ni
Duncan, at siya’y naging hari na ng Scotland.
6. Ang mga anak ni Duncan na sina Malcolm at Donalbain ay nagkubli sa
Inglatera at Ireland dahil sa takot na patayin sila ni Macbeth. Nag-utos din si
Macbeth na kumuha ng grupo na papatay sa kanyang kaibigan na heneral
na si Banquo at si Fleance, ang kanyang anak para wala nang makaka-
agaw sa kanyang trono. Noong papunta sila sa isang marangyang
kapistahan ay napatay nila si Banquo pero hindi nila napatay si Fleance
dahil siya’y nakatakas. Sobrang nagalit si Macbeth, at naisip niya na
habang buhay pa si Fleance ay hindi pa sigurado ang kanyang
panunungkulan bilang hari. Noong gabi ng pagpapakilala sa mga maharlika
ay binisita ng kaluluwa ni Banquo si Macbeth, at nang nakita ni Macbeth
ang kaluluwa ay nataranta at nagmayabang siya sa mga panauhin,
partikular na ang mga Scottish nobility, kaya sinubukan ng kanyang asawa
na pahinahon ang sitwasyon. Pero hindi niya ito nagawa.
7. Bumalik si Macbeth sa mga mangkukulam sa isang kuweba. Binalaan nila si
Macbeth tungkol kay Macduff, isang marangal na tao na kumakalaban sa
pag-upo ni Macbeth sa trono. Siya ay hindi nasasaktan ng sinumang lalaki
na pinanganak ng isang babae, at siya’y magiging ligtas hanggang
makarating ang Birnam Wood sa Dunsinane Castle. Natuwa si Macbeth
dahil alam niya na lahat ng lalaki ay pinanganak ng mga babae at hindi
kayang maglakad ang mga gubat. Nang nalaman niya na pumunta si
Macduff sa Inglatera para makipagsanib-puwersa kay Prinsipe Malcolm ay
inutusan niya ang kanyang mga sundalo na pabagsakin ang kastilyo ni
Macduff, at ang asawa at ang mga anak ni Macduff ay dapat patayin. Nang
nalaman ni Macduff ang nangyari, ay gustong-gusto niyang maghiganti
kaya pumunta siya, kasama ang malaking puwersa niya at ni Prinsipe
Malcolm sa Scotland para makipag-laban kay Macbeth. Tinatayang aabot
sa sampung libong sundalo ang pinadala para makipag-laban kay Macbeth.
8. Habang si Lady Macbeth ay sobra-sobrang nagsisisi sa kanyang nagawa
kaya humantong siya sa pagpatiwakal o “suicide” habang siya ay
nagsisleep-walking, at may nakitang dugo sa kanyang mga kamay na hindi
nahuhugasan ng tubig. Nang malaman ni Macbeth ang nangyari sa
kanyang asawa ay sobra siyang nawalan ng pag-asa. Kahit ganoon ang
nangyari ay hinintay pa rin niya ang mga kalaban at nang nalaman niya na
parating na ang mga kalaban sa Dunsinane na nagpatatanggol ng mga
boughs cut mula sa Birnam Wood, natakot siya na tama nga ang propesiya
na ibinigay sa kanya. Sa larangan ng digmaan ay nakaharap ni Macbeth si
Macduff at sinabi na siya’y hindi pinanganak ng isang babae ngunit siya ay
tinanggal mula sa sinapupunan ng kanyang ina o tinatawag ngayon na
“cesarian”. Nang mapagtanto niya na siya ay wala nang kawala ay nakipag-
laban pa rin si Macbeth hanggang siya ay mapatay at pugutan ng ulo ni
Macduff. Naging hari na ng Scotland si Malcolm, at inimbitahan ang lahat na
mapanood ang pagputong ng korona sa kanyang ulo sa Scone.
9. Mga Katanungan:
Bakit kaya gustong-gusto umupo sa trono
ng hari ng Scotland si Macbeth? Ano ang
kanyang nagawa para matupad ang
adhikain niya?
10. Mga Katanungan:
Ipaliwanag ang katangian ni Lady
Macbeth bilang isang asawa. Ano ang
kanyang partisipasyon sa pagkaupo ni
Macbeth bilang hari ng Scotland?
11. Mga Katanungan:
Ipaliwanag ang pangyayari noong
nagpagkamatay si Lady Macbeth. Ano
ang simbolismo ng dugo sa kanyang
kamay na hindi puwede mahugasan ng
tubig? Ipaliwanag.
12. Mga Katanungan:
Ano ang naging epekto ng pagkamatay ni
Lady Macbeth kay Macbeth? Ito ba ang
naging daan para pag-igihin ang kanyang
pakikidigma o ito ang naging sanhi para
siya ay matalo sa labanan?