Principles of Tourism Chapter 10 (recreation and leisure)
Mardi gras sa fat gabriel
1.
2. Ritwal ng mga diyos
At ng mga halimaw
Gabing bisperas ng pag-igpaw
Ni Guadalupe, ang VAM-pira
(diin sa unang pantig aniya)
Ng kalantungang Viva
Sa kalawakan ng salimisim
Namamayagpag sa tugatog
Ng mapanglaw na pilusang kulandong
Ang tsinang dilaw
Inirampa ang kabuwanan
Sa ritmo ng “mamamalagi ako”
(I WILL SURVIVE) ni Gloria Gay-nor
Na isinisigaw sa mikrofono
Ng patpating bungal na tenor.
3. Kalimayon ang pangilan
Kapwa nakamata
Sa pilit pinalulugitang takda
Ng pagbulusok ng sinasambang
Bathalang buntala
Sa altar ng imortalidad…
Ngunit umambon sandali…
Nabulabog ang mga babaing paniki
Nagsiliparan, nagsilipana, nagsiltili
Sa git ng madilim na lunggati
Balak magngitngit ng “bakit?”
Sa alumpihit
Danga’t sa isip inaalong-giit:
mahigpit ang bantay
hindi nakapuslit
matinding tinamlay
kaya napaidlip…
o baka nagkasakit ulit?
4. Tigib ng ligalig
Ang pagpapalipas sa bote
Ng pintig…
Tumalilis ang lobong gris
Umalulong sa dalisdis
Ng namamatay na batis
Sa mesa sa karakaraka nayukuan ang anino
Nangangalisag ang mga buhok at balahibo
Nang-uuslian ang matutulis na pangil at kuko
O, panahon, sadyang di ka nagbabago
Tanging tao lamang ang “tuliro”
“Kay bilis naman mabulagan
ang liwanag ng buwan
kay bilis naman matabunan
ng ulap ang daan”
At nagpapakana nito.
5.
6. Ang buong wika ay isang sistema ng pag-unawa a samut-
saring karanasang pinagdaanan ng tao at ng kanyang lipunan.
Isang paglalarawan ito ng daigidg na kanyang nakilala at
nakabuhayan.
Ang kalikasan at buhay ang pinaghahanguan ng paksa ng
tula. Sa pamamagitan ng wika, ang pagbubuklod-buklod ng
mga salita ay nagbibigay-hugis ng buhay. Sa tulong ng mga
guni-guni at mga larawang diwa ay napupukaw ang ating mga
damdamin, naglalagos sa kamalayan at kaluluwa. Dahil dito sa
dagsang karanasang maaaring maiugnay sa bawat tulang
mababasa, ang kagandahan ng tula ay umaayon sa ating iba’t-
ibang perpektiva.
Talakay ito ng tinatawag na teoryang pangmambabasa o
reader’s theory:
7. Ang anumang akda, oras na ilabas at ipabasa ng
manunulat, wala nang kontrol ang manunulat sa kanyang akda.
Maari na itong magkaroon ng isanlibo’t isang interpretasyon
batay sa karanasan ng mambabasa, sa kanyang kaalaman, sa
kanyang ideolohiya, sa mga asosasyong nakaakibat sa
kanyang isipan, damdamin, at buong pagkatao.
Magkagayunman, nananatili ang fundamental na
kahulugan o anumang ipinararating ng awtor. Nakayukayok
ito sa pamamaraang gagamitin ng kritiko sa kanyang
pagsusuri, sa pagbaklas sa mga imahen at himatong na
nakapailalim sa pagitan, sa gitna ng bawat linya.
Kasama sa pagbaklas na ito ang alamin ang mga
pangkaligirang kasaysayan at kaalaman ukol sa may-akda.
Bilang isang manunulat na nanggagaling na rin sa di iilang
palihan, nararapat na maging bukas ang may akda sa iba’t
ibang kahulugang ibinibigay ng iba’t ibang mambabasa.