2. Gaya ng isang indibidwal, ang isang bansa ay
kinakailangang makipag-ugnayan at
makipag-kaibigan sa iba pang mga bansa sa
daigdig upang makamit nito ang minimithing
kalayaan, kapayapaan, katarungan at higit sa
lahat, kaunlaran.
Upang mabigyang katuturan ang ating
pakikipag-ugnayan, ang ating bansa ay
aktibong lumalahok sa pakikipagpalitan ng
mga kaalaman sa kabuhayan, kultura at
pulitika. Isinasaalang-alang din natin ang
ating mga karapatan, karangalan at
pambansang interes kaya tayo bilang bansa ay
may mga sinusunod na patakarang panlabas
sa pakikipag-ugnayan.
3. Bago pa dumating ang mga mananakop
sa Pilipinas, ang mga Pilipino ay
malayang nakikipagkakalakalan sa mga
karatig bansa dito sa Asya. Ang mga
Tsino, Indyano, Arabe at Hapones ay
nakatulong sa pagpapayaman ng ating
mga katutubong kaugalian bukod pa sa
pakikipagpalitan ng kalakal.Ipinakita
ng mga Asyano ang kanilang katapatan
sa larangan ng kalakalan at magandang
pakikitungo sa panauhin.
Dahil sa matagal na panahong pananakop ng
mga Espanyol sa Pilipinas, ang pangkat na ito
ang may pinakamalaking impluwensya sa
ating pamumuhay mula sa relihiyon,
pananalita, pagkain, pananamit, kaugalian at
mga pagdiriwang.
Mga dinalang pananim ng mga Espanyol:
-Mais
-Mani
-Kape
-Papaya
-Kakaw
-Atswete
-Trigo at iba pa.
4. Nagkaroon tayo ng malayang
pakikipagkalakalan sa Estados Unidos.
May mga batas na nagpapatibay at
nagtadhana ng sistema ng kalakalan sa
pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito ay angBATAS Payne-Aldrich noong
1909 at angBatas Underwood-
Simmons noong 1913.
Mga Karanasan:
-Pag-iisip at istilo sa pamumuhay
-Paraan ng pamumuhay
-Wikang Ingles
-Makabagong sistema ng
transportasyon at komunikasyon
-uri ng edukasyon ng pakikipag-ugnayan
sa mga Amerikano.
Ito ay mga impluwensya sa atin ng mga
Amerikano.
Noong una ay ating ipinagdiriwang
ang Hulyo 4 bilang Araw ng Kalayaan
natin na ipinagkaloob ng mga
Amerikano. Ngayon, ito ay Araw ng
Pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados
Unidos (fil-American Friendship Day)
na.
May kanya-kanyang programa at
paraan ng paglutas sa mga
suliranin tungkol sa pakikipag-ugnayan
natin sa mga kapwa
nating bansa ang mga naging
pangulo sa Ikatlong Republika.
Lumalahok ang ating bansa sa
pagtulong at paglutas ng mga
suliraning pandaigdig sa
pagpapalaganap ng kapayapaan sa
lahat ng mga bansa.
Nakikipagtulungan din tayo sa
pangangalaga sa kapaligiran at sa
pagkakaroon ng kasunduang
pangkalakalan tungo sa ikauunlad
ng ekonomiya.
5. 1. Manuel L. Roxas – Nagkaroon
ng malapit na pakikipag-ugnayan
ang Pilipinas sa
Estados Unidos kasunod ang
mga kasunduang
pangkabuhayan at
pangkaligtasan matapos ang
paggawa nito ng ating
kalayaan.
2. Elpidio Quirino – kauna-unahang
pangulo na
humihikayat sa mga lider ng
mga bansa sa Asya na
magtatag ng isang samahan
para sa kabutihang panlahat..
3. Ramon Magsaysay – sa
kanyang panahon ng
panunungkulan naitatag ang
Samahan ng Pakikipagkasundo
sa Timog Silangang Asya (
South Asia Treaty Oragnization
o SEATO).
4. Carlos P. Gracia – sa panahong ito
naitatag ang ASA (Association of Southeast
Asia). Binubuo ito ng Pilipinas, Thailand at
Malaysia. Binigyan niya ng pagpapahalaga
ang pagkakaisa ng mga magkakalapit na
bansa para sa kultura at kabuhayang pag-unlad.
5. Diosdado Macapagal – ang
MAPHILINDO o Samahan ng Malaysia,
Pilipinas at Indonesica ay naitatag sa
panahon ng kanyang pamamahal sa bansa
upang patatagin ang ugnayan ng
samahang pangrehiyon noong 1962.
6. Ferdinand Marcos – Ipinagpatuloy niya
ang ASA at nabuo mula rito ang ASEAN (
Association Of Southeast Asia Nations). Ang
mga bansang magkakatulong sa samahang
ito ay ang Pilipinas, Indonesia, Malaysia,
Singapore at Thailand bulang mga orihinal
na kasapi. Ang layunin sa mga kasaping
bansa ay mapaunlad ang kabuhayan,
kultura, edukasyon, agham at teknolohiya.
6. Ferdinand Marcos – sa panahon ni
Marcos nagkaroon ang Pilipinas ng
sariling patakarang panlabas – ito ay
ang pagpapahayag na wala itong
k0inikilingan o tataggihang bansa sa
pakikipag-ugnayan.
Corazon Aquino – ipinagpatuloy niya
ang pakikipagkaibigan at mabuting
relasyon sa ibang bansa. Higit na
pinaghusay ang pakikipagpalitan ng
mga modernong kaalaman sa larangan
ng teknolohiya para sa ikabubuti ng
lahat.
Fidel Ramos – higit pang tumibay ang
pakikipag-ugnayang panlabas ng
Pilipinas dahil sa pagdalaw niya sa mas
maraming bansa daigdig upang
humikayat ng mga namumuhunan sa
bansa upang maging NIC o newly
industraized country ito. Naganap sa
kauna-unahang pagkakataon sa bansa
ang APEC Summit Meeting sa kanyang
panunukulan.
7. Joseph Ejercito Estrada – dumalo rin sa mga
Summit Meeting ang pangulo sa ibang bansa.
Napagtibay din ang ugnayang diplomatiko sa
pagitan ng Pilipinas at ibang bansa sa
pangangasiwa ni Kalihim Domingo Siazon ng
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas.
Gloria Macapagal Arroyo – higit pang tumatag
ang ugnayang panlabas ng Pilipinas.
Nadadagdagan ang mga namumuhunan dahil sa
katatagan ng namumuno. Hinahawakan ng
Pangalawang Pangulo Teofisto Guingona at Blas
Ople ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas
upang paunlarin ang ugnayan sa ibang bansa.
8. Matapos ipagkaloob ng Estados
Unidos ang kasarinlan ng
Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay
patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan
natin sa isa’t isa.
Maraming kasunduan ang
napagtibay ng dalawang bansa sa
larangan ng ekonomiya,
kalakalan, edukasyon at kultura.
Ang pag-aalis ng
mga base-militar ng
Estados Unidos sa
Pilipinas ay hindi
naging hadlang sa
ugnayan ng
dalawang bansa.
Tumugon ang Pilipinas sa
Pagsuporta sa bansang
Amerikano na labanan ang
terorismo dahil sa naganap
na pagpapasabog saWorld
Trade Center noong
Setyembre 11, 2001
9. Pagdedeklara ng batas-militar
nong 1972 sa panahon ng
pamumuno ni Pangulong
Marcos, nagsimula tayong
makitungo sa mga bansang
sosyalista.
Nakipagkaibigan ang Pilipinas
sa Tsina, dating Unyong Sobyet,
at mga bansa sa Silangang
bahagi ng Europa gaya ng
Hungarya, Poland, Bulgaria,
Yugoslavia, Romania, at iba pa.
Nagkaroon tayo ng mga
kasunduang pangkalakalan,
pangkultura, at panteknolohiya.
Nagbukas din ng mga
embahada ang
Pilipinas sa mga
naturang bansa at
napatatag ang
relasyon sa
pamamagitan ng pag-angkat
ng mga ito ng
mga produkto ng
ating bansa gaya ng
abaka, asukal, niyog
at yantok.
10. Ang ugnayang Pilipino at Arabe ay
nagsimula pa noong ika-9 na dantaon.
Ang paraan ng kanilang
pakikipagkalakalan, ang pamahalaang
Sultanato at ang relihiyong Islam ay
bahagi pa rin ng pamumuhay ng mga
Pilipinong Muslim sa kanilang
pamumuhay.
Pakikipag-ugnayang pandiplomatiko
noong dekada ‘80. Ang bansang ito ay
ang Algeria, Iran, Jordan, Libya, Morocco
at Ehipto. Isa ang Pilipinas sa mga
umaangkat ng produktong langis sa
Suadi Arabia at iba pang bansa na kasapi
sa OPEC (Organization of Petroleum
Exporting Countries).
Ang mga bansang Arabe
din ang nakapagbigay ng
maraming pagkakataon sa
mga manggagawang
Pilipino maging
propesyunal, tekniko at
may kasanyang
manggagawa na
makagphanapbuhay.
11. Bagamat isang masaklap na karanasan ang
iniwan sa ating kasaysayan ng mga Hapon
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay
patuloy pa rin ang ating pakikipag-ugnyana sa
kanila. Noong Mayo 9, 1956, ay nagkaroon ng
kasunduan tungkol sa pagbabayad ng mga
Hapones sa mga pinsalang dulot ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Noong Disyembre 21, 1973 sa panahon ng
pamamahala ni Pangulang Marcos ay
nagkaraoon ng kasunduan sa pantay na
ugnayan ng dalawang bansa, sa pagtutulungan
sa mga suliraning pangkalakalan, pampulitika
at pangkultura.
Ang mga Pilipinong
“entertainer” sa Hapon
gayundin ang pagdinig sa
kaso ng mga “comfort
women”, mga Pilipinang
pinagsamntalahan ng mga
kawal Hapones noong
panahon ng digmaan.
12. Maraming mamamayang Pilipino
ang naninirahan at nagtrabaho sa
bansang Australia. Ang
pamahalaan ay nagtayo ng
konsulado na pinamumunuan ng
konsul. Tungkulin ng konsul na
pangalagaan ang kapakanan ng
ating mga kababayan sa bansang
nabanggit.
Ang Pilipinas ay may kasunduan
ekstadisyon sa Australia. Kung ang
isang kriminal ay tumakas
papuntang Australia, ang
kanilang pamahalaan ay may
karapatan at tungkuling dakpin at
isuko ito sa pamahalaan ng
Pilipinas. Gayundin ang
mangyayari sa Pilipinas.
Nagkasundo rin ang mga bansang ito
sa ilalim ng APEC (Asia-Pacific
Economic Cooperation) bilang mga
kasapi ng pairalin ang malayang
kalakalan ng mga produkto at
paglilingkod gayundin ang
pagpapalita ng teknolohiya at
kaalaman. Marami ding mga
kompanyang Australyano ang
namumuhunan sa bansa, isa na rito
ang P and O Australia Ltd. Na
nagdadagdag ng puhunang 300
milyong dolyar para sa mga proyekto
noong 1997.
13. Umabot sa 7,042 ang bilang
ng mga manggagawang
Pilipino na nagtatrabaho sa
bansang Aprika noong
1989 at tumaas pa ito ng 20
bahagdan noong 1991 at
nadagdagan pa ito taun-taun
hanggang sa
kasalukuyan.
Ang pamahalaan ay
nagpapadala ng mga
Pilipinong dalubhasa sa
iba’t ibang larangan upang
magsilbing kasangguni ng
bansang Aprika.
Maraming Aprikano ang
dumarating sa bansa upang
magsanay at
magpakadalubhasa sa iba’t
ibang larangan lalo na sa
pagsasaka. Ang ilan dito ay
angInternational Rice
Research Institute o IRRI sa
Los Baños, Laguna at sa U.P
Diliman. Nakakapagsanay
na rin sila saInternational
Institute for Rural
Reconstruction or IIRR sa
Silang, Cavite .